Natawa ka ba may title pa?
Yung picture nung aso, naalala lang kita,hindi dahil kamukha mo....Siguro 'pag naalala mo ang isang tao,kahit anong makita o marinig mo, kung maalala mo sya,maalala mo, kahit sound pa ng pag-ihi yan:)
Bahala ka ng umintindi dito sa mga sasabihin ko, magulo,...kasing gulo ng isip ko...
Gusto kong mag-explain, sabihin sayo yung side ko, ang bigat bigat kasi sa pakiramdam. Sa narinig ko kasi sayo, pakiramdam ko ang sama sama ko. Parang lagi na lang ako ang nagpapaasa, ang nananakit. Pero sana, alam mo na ang sakit sakit, ngayon ko lang naramdaman to. Worst pa to nung una.
Nung nagusap tayo ulit late last year,di ko alam kung tama bang kausapin ka ulit, pero di na ako nagisip, isa lang alam ko noon, namiss kitang kausap, kahit simpleng greetings lang yun galing sayo.
Birthday ko ng magkwento ako sa kapatid ko na naguusap tayo ulit,sabi nya nung time na yun,"okay lang sana ate,kasi kaibigan naman natin sya bago ang lahat, kaya lang parang wag na,kasi may girlfriend na, pero bahala ka pa rin" Siguro sinabi nya yun kasi,hindi man naging tayo, may "history" naman,kung pwedeng tawaging ganun yun. Dito pa lang, sana nakinig na ako...matigas talaga ang ulo ko no...
Natigil ulit di ba? Hindi ka na naman nagparamdam. Noon pa lang,naisip ko, siguro may problema ka lang o kaya bored nung time na kinausap mo ako, kaya nung okay ka na,nawala ka na naman...
Late Feb, magkatext na naman tayo. Hesitant na naman ako, medyo may takot na, si Ji in ang kinausap ko tungkol sayo, nakwento ko yun sayo di ba.Ito ang exact words nya "If you're happy talking to him,go for it,you're not the one who is cheating,you're innocent. We can be a little selfish sometimes,you know. Just don't let yourself fall for him again" Sinabi ko naman sayo yun di ba,masaya ako. Mas naging open pa ako,umamin pa ako sayo ng mga bagay na dapat sana hindi ko na lang ginawa. Pero tulad ng sabi ko,masaya ako,tama ba ang ginagawa ko?Hindi, kasi may girlfriend ka. Yung time mo na dapat sa kanya, inaaagaw ko. Pero tuloy pa rin tayo. Tanga,di ba?Ano ba ang reason ko?Ang desisyon,tama man o mali,ang importante, yung makakapagpasaya sayo. Pamilyar ba?:)
Ngayon ko naaappreciate yung song na gusto mo,"Nothing without love"-Nate Ruess,bakit nung time na pinakinggan ko,parang di ko gusto,dahil ba kausap kita noon? Hindi mahalaga ang naririnig ko, kasi naririnig ko naman ang boses mo. Pero ngayong hindi na, ang sarap pakinggan nung song,dahil ba wala ka na? Yung song na lang ang natira na pwede kong pakinggan....
Sinabi mo sa akin, may nararamdaman ka pa rin,na di naman nawala. Sinabi ko sayo, di pwede,di ko alam kung ano gagawin natin sa nararamdaman mo,may girlfriend ka, kilala ko pa. Pero alam mo,mali man,di ko alam bakit natuwa ako na marinig yun galing sayo. Never ko pa kasi narinig yun sayo. Kaya siguro, uulitin ko na naman,kahit mali,nakikipagusap pa rin ako sayo,sobra pa. Ikaw katext ko araw araw, kahit sa trabaho, ikaw kausap ko bago ako matulog. Kasama ka na sa routine ko, mali eh, ako ang nagsabi sayo na wag kang masanay, bakit ako ang nasanay?
Kinausap ko na naman ang kapatid ko tungkol sa napagusapan natin, ikinuwento ko din yun sa'yo di ba, na sinabi nya, tama na, tumigil na ako. Sana nakinig na lang ako sa kanya, hindi siguro ganito kasakit...... Bakit ba matigas ang ulo ko? Bakit ba si Ji in pinapakinggan ko?Dahil ba ang sagot nya ang gusto ko talagang gawin?
Sinabi mong mahal mo ako, unang beses ko narinig yun galing sayo...Sinabi mo,ayaw mong mawala ako sa buhay mo...Sabi mo din, hindi ako nakikinig sayo... Nakikinig ako sa mga sinasabi mo, kaya lang,masisisi mo ba ako kung ang hirap paniwalaan? Anong gusto mong gawin ko?Alam mo ba kung gaano kasakit na habang sinasabi mo yan sa akin, ang daming pumapasok sa isip ko, sino bang girlfriend mo?Sino ba ang nakasama mo? Sino ba ang alam ng mga tao na mahal mo? Ako ba?Hindi di ba. Siya.....
Iniisip ko rin minsan, yan din ba ang sinasabi mo sa kanya?Habang kausap mo ako,sya ba ang nasa isip mo? Nasa isip ko kayong dalawa na magkasama, na masaya. Sa kanya, naiparamdam mo na kung gaano mo sya kamahal,kung gaano sya kahalaga sayo sa pagbibigay mo ng oras mo sa kanya. Samantalang nung tayo ang nagkita, hindi mo man lang ako matignan,hindi mo ako kinausap. May mga kumausap sa akin nung umuwi tayo,pero ikaw,... ikaw yung isang tao na inexpect ko na kakausap sa akin,walang ginawa...
Sana...sana di ka na lang bumalik,okay na ako eh,natanggap ko ng meron ka ng iba...
Bakit kita pinipilit na ayusin mo yung sa inyong dalawa, kahit ang hirap hirap na habang sinasabi ko yun sa'yo gusto kong maiyak? Dahil yun ang tama... Dahil kayo yung meron...Dalawang beses kitang tinanong,mahal mo ba sya?Dalawang beses mo din sinagot ng oo.. Dalawang beses mo rin sinabi sa akin kung anong klaseng hayop ka,kasi dalawa ang mahal mo. Yun pa lang,alam ko na,hindi tamang ako ang piliin mo,kasi dalawa man kaming mahal mo, sya na ang girlfriend mo...Ako? WALA.
Minsan ko ng naisip,sabihin na lang sayo, sige, tayo na lang, pero paano ko gagawin yun,natatakot ako,paano kung naging tayo na, gawin mo rin sa akin yung ginagawa mo sa kanya,paano kung narealize mo hindi pala ako ang mahal mo, mas mahal mo sya?Iiwan mo rin ako di ba, at babalikan sya. Nagawa mo na dating igive up ako, magagawa mo ulit. Hindi nga ako matapang, pero hindi ito yung risk na I'm willing to take. Hindi nga ako ang pinakamabait na taong nakilala mo, pero hindi ko kayang mang-agaw, hindi ako mang-aagaw....
Madaya ka nga eh, ayaw mo na akong kausap dahil sabi mo mas nadadagdagan ang sakit pag naririnig mo ang boses ko?Paano naman ako, na nasanay ng kausap ka. Hindi mo man lang ako hinayaan dahan dahanin na mawala ka. Ikaw merong sya,na makakausap mo pa rin, nandyan para sa'yo, eh ako? Wala... Sabi na eh,dapat hindi na lang kita hinayaan. Ngayon, nagba backfire sa akin lahat. Karma na ba ito?Masama ba ako?
Sabi mo ang tigas ko,sabi ko oo, pero bakit ako nasasaktan, bakit ang hirap, bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko na parang sasabog?
Hindi ko sinabi lahat sayo 'to para ibalik yung dati,dahil alam ko na wala naman ng ibabalik. Tama ka,wag na muna tayong magusap. Hindi rin muna siguro tayo pwedeng kahit kaibigan lang sa ngayon. Baka lalo lang tayo magkasakitan pag maguusap pa tayo, kaya tama na. Ayaw ko na dumating yung panahon na makaramdam na tayo ng galit sa isa't isa. Siguro by this time,okay na kayo,masakit,pero mas makakabuti yun sa inyo,..sa 'yo.
Gusto ko maging masaya ka,totoo yan. Darating din naman siguro yung time na ako naman ang magiging masaya, hindi man tayo ang magkatuluyan. Mahal kita, pero hindi lang talaga tayo pwede ngayon. Sa'yo ko lang 'to naramdaman, pero sa'yo lang din ako nasaktan na ganito...
Sana agad dumating yung time na wala na ang sakit,....na tatawanan na lang natin lahat ng ito, na tayo ang magkasama o masaya ka dahil kasama mo na sya, ako naman magisa o kasama ng iba....
Sige na,ang haba na nito,sobra...Iyakin ako noon,pero di ko alam na magiging ganito ako kadrama ngayon,heehee...
Magingat ka lagi ha,
J
PS: On a lighter note,sabi ni Ji in,cute ka raw,pinakita ko picture mo:)